Napagtagumpayan ni Clarissa Ofemia Calibo kasama ang ibang kababaihan ng Brgy. Mac Arthur sa Leyte ang kahirapan sa pamamagitan ng Kalahi CIDSS Kapangyarihan At Kaunlaran sa Barangay (Kalahi CIDSS KKB). Si Clarissa ay dating isang simpleng maybahay na naging aktibong boluntir ng Kalahi CIDSS at isang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.


Mula ng siya ay maging boluntir ng Kalahi CIDSS ay mas naging aktibo pa siyang mamamayan ng Brgy. Mac Arthur, Tabontabon Leyte. Dahil rito ay kinuha siya bilang Barangay Nutritionist Scholar (BNS) sa kanilang lugarSi Clarissa ,kasama ang ibang Kalahi boluntirs, ay naitukoy nila na ang isang solusyon sa problema ng barangay ay Purchase of Sewing Machine with training and starting kit. Ang mga kababaihan ay nagsama sama para bumuo ng isang asosasyon upang itaguyod at pangalagaan ang proyektong naibigay ng Kalahi CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (Kalahi CIDSS KKB).


Sa ngayon, ang asosasyon ay tumatanggap na ng mga kliyente at sila ay gumagawa na ng uniporme, damit , kurtina at iba pa. Ito ang pinagkukunan nila ng hanap-buhay. Sa pamamagitan nito, si Clarissa at iba pang kababaihan ay nakakatulong na sa kanilang mga pamilya. Nabago din ng Kalahi CIDSS program ang pananaw ni Clarissa at iba pang kababaihan ngayon, sila ay may boses at may magagawa sa lipunan.Ang Kalahi CIDSS KBB ay naglalayun na masuportahan ang kanilang mga hanap-buhay na tinukoy ng pamayanan na siyang makakabuo ng kita sa mga kabahayan. Sa pamamagitan ng Community-driven Development (CDD) na istratehiya, ito ay naging matagumpay.


#DSWDMayMalasakit
#DSWDKalingaAtPagmamhal
#MagKalahitayoPilipinas
#ThisIs8!