Panoorin ang pagbabagong naidulot ng Kalahi CIDSS Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay (Kalahi CIDSS KKB) sa buhay ni Arnel at kanyang mga kasamahan na nakatira sa Brgy. Tuburan, Bontoc, Southern Leyte. Si Arnel ay isang magsasaka na nagsusumikap na mabigyan ang pang araw-araw na pangangailangan ang kanyang pamilya bilang isang magsasaka.

Isa sa mga natukoy na problema ng kanilang barangay ay ang kawalan ng hanapbuhay ng mga mamayan na siyang tinugunan ng programang Kalahi CIDSS KKB. Si Arnel, katulong ang iba pang Kalahi cidss boluntirs, ay bumuo ng asosasyon ng mga mananahi kung saan sila’y natutong manahi ng mga damit,uniporme, punda at iba pa.

Ipinagmamalaki ni Arnel na hindi lamang mga babae ang maaring maging mananahi, Kaya rin ng isang lalaki na gampanan ang trabaho na karaniwang ginagawa ng babae. Sa pamamagitan ng Kalahi CIDSS KKB ay nagkaroon ang mga mamayan ng Brgy. Tuburan ng pagkakakitaan at pagkukunan ng panggastos ang kanilang pamilya.

Ang Kalahi CIDSS KBB ay naglalayon na masuportahan ang kanilang mga hanapbuhay na tinukoy ng pamayanan na siyang makakabuo ng kita sa mga kabahayan. Sa pamamagitan ng Community-Driven Development na istratehiya, ito ay naging matagumpay.


#DSWDMayMalasakit
#DSWDKalingaAtPagmamhal
#MagKalahitayoPilipinas
#ThisIs8!