Pebrero 13- Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 sa pangunguna ng Social Marketing Unit ng Knowledge, Attitude and Practice (KAP) study sa Brgy 23, Tacloban City.   

Layunin ng study na ito na masuri kung hanggang saan na ang kamalayan at pag unawa ng mga tao sa mga programa at serbisyo ng DSWD, malaman ang disposisyon ng mga tao tungkol sa departamento bilang tagapaghatid ng mga panlipunang proteksiyon na serbisyo at malaman kung paano nahahatid sa mga tao ang impormasyon patungkol sa mga tulong galing sa departamento.

Kabilang sa pamamaraan ng pagsagawa ng KAP study ay survey at Focus Group Discussion (FGD).

Ang makukuhang impormasyon sa mga tumugon ay magiging batayan ng departamento upang mas mapaigting pa nito ang adbokasiya sa mga serbisyo at programa ng DSWD.

#DSWDMayMalasakit
#DSWDKalingaAtPagmamahal