Si DSWD Region VIII Director Marie Angela Gopalan kamakailan ay nagpahayag ng pag-alala ng ibang senior citizens na hindi pa nakatanggap ng Social Pension para sa taong 2019. Sa isang interbyu sa kanya ng isang tagapanayam ng istasyon sa radio, sinabi niya na hindi dapat mabahala ang mga karapatdapat na mga senior citizens at meron pang mga barangays na hindi pa na-validate. Batay sa talaan ng opisina ng Social Pension ditto sa Rehiyon Otso, 73.90 % ng target social pensioners ang hindi pa napuntahan ng DSWD para mapatunayan nga sila nga ay karapatdapat sa benepisyo.

Sa kasalukayan, 203,122 social pensioners o 39.81 % ng target 276, 807 na matatanda ang nabigyan na ng pension.

Dagdag pa ni Director Gopalan, itutuloy ang payout o pamamahagi ng grants itong huling lingo ng Pebrero, at itinakdang matapus ang pamahagi sa katapusan ng Hunyo, 2020.

Sa kabilang dako, pinapa-abot ni Director Gopalan na ang pondo ng Social Pension ay deritsong pinapamahagi ng DSWD sa mga social pensioners. Kaya, walang kinalaman ang LGU at hindi na dumadaan ang pondo sa kanila, aniya pa ni Director Gopalan. #DSWDMayMalasakit #DSWDKalingaAtPagmamahal