Nag-release ang DSWD Eastern Visayas ng 1,036 na Family Food Packs (FFPs) para sa Maasin City, Southern Leyte, isa sa mga munisipyo na naapektuhan ng bagyong Dante. Ito ay matapos matanggap ng DSWD ang request para sa dagdag na suporta sa isinagawang relief operations ng Local Government Unit (LGU). Sa mga FFPs na ito, 200 na ang kinuha mula sa nakahandang stockpile ng DSWD sa Maasin City, habang 836 ang kinuha mula sa main warehouse sa Regional Resource Operations Center (RROC).

Bawat FFP ay may lamang anim na kilo ng bigas, apat na corned beef, apat na tuna flakes, dalawang sardinas, limang cereal drink at limang kape. Sapat ito para sa dalawa hanggang tatlong araw para sa isang pamilyang may limang miyembro.

Ayon sa mga ulat na nakalap ng DSWD mula sa lokal na pamahalaan, 11,914 na pamilya (o 44,581 na indibidwal) mula sa 14 na munisipyo ang naapektuhan ng bagyong Dante. Kabilang dito ang 1,036 na pamilya mula sa Maasin City. Patuloy naman ang DSWD na nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang makita kung ano ang pangangailangan ng mga LGU.

#DSWDMayMalasakit