Upang mabigyan ng dagdag na kita ang mga sambahayan na mayroong mga batang kulang sa nutrisyon, communal gardening ang napiling proyekto ng Brgy Lapinig Del Norte sa Lapinig, Northern Samar.

Ang communal gardening ay proyekto na ipinapatupad sa ilalim ng Cash-For-Work implementation ng DSWD KALAHI-CIDSS program. Ito ay mayroong kabuoang halaga na Php 141, 100.00.

Samantala, 40 na manggagawa ang tulong-tulong na isinasagawa ang nasabing proyekto. 26 rito ay kababaihan habang 14 ay kalalakihan, na pawang mga pinuno ng sambahayan o head of the household.

#DSWDMayMalasakit
#MagKalahiTayoPilipinas
#ThisIs8!

(credits: DSWD TF Gab Codoy/AC Mendith Gabilan)