LAG PAYOUT: Nasa 102 kwalipikadong benepisyaryo na ang nakatanggap ng kanilang Livelihood Assistance Grant (LAG) sa munisipyo ng Las Navas , Northern Samar, noong Agosto 25, 2021.

Kabilang sa mga benepisyaryo na nabigyan ng tulong pinansyal mula sa nasabing munisipyo ay mga pedicab drivers, fish at market vendors ,at mga may-ari ng sari-sari store. Ang bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng Php 13,439.25, na umaabot sa kabuoang halaga na Php 1.3 M.

Pinangunahan ang pay-out ni DSWD Promotive Services Division Chief Natividad Sequito at Las Navas Municipal Mayor Arlito Tan.

Ang Livelihood Assistance Grant (LAG) ay isang tulong pinansyal na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP), para sa mga eligible individuals na ang mga kabuhayan ay lubhang naapektuhan bunsod ng pagpapatupad ng community quarantine sa kanilang lokal.

#DSWDMayMalasakit
#SLPSibol
#IsangDekadaNgPagsibol

(credits: DSWD Chief Natividad Sequito)