Mas pinalakas ng DSWD Eastern Visayas ang kakayanan nitong rumesponde sa mga sakuna matapos dumating kamakailan ang 5,000 na Family Food Packs (FFPs) na ini-request ng ahensya mula sa counterpart nito sa Visayas Disaster Response Center (VDRC) sa Rehiyon VII.

Sa kabuuan, may nakaimbak na 17,783 FFPs sa iba’t-ibang strategic na lokasyon ang DSWD. Kabilang dito ang 5,415 FFPs sa Northern Samar, 1,100 sa Eastern Samar, 416 sa Samar, 200 sa Biliran at 10,652 sa main warehouse nito sa Regional Resource Operations Section.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121 (Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act), ang unang rumeresponde sa mga sakuna ay ang Local Government Units, at maari silang mag-request ng dagdag na relief items mula sa DSWD kapag kinakailangan.

Sa kasalukuyan, patuloy naman ang pagsasagawa ng DSWD ng on-the-ground assessment para sa mga munisipyo sa Eastern Samar na naapektuhan ng bagyong Jolina.

#DSWDMayMalasakit