Nagsagawa kamakailan ang DSWD Field Office VIII ng on-the-ground rapid assessment para sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyong Jolina sa Eastern Samar. Sa pangunguna ng Eastern Samar Sub-Field Office, binisita ng DSWD itong mga munisipyo upang kumuha ng datos at makita kung gaano kalala ang pinsala na dinulot ng bagyo.

Base sa assessment na ito, 13 na mga munisipyo ang naapektuhan mula sa probinsya ng Eastern Samar. Kasama dito ang Lawaan, Balangiga, Giporlos, Quinapondan, Salcedo, Mercedes, Guiuan, Gen. Macarthur, Hernani, Llorente, Balangkayan, Maydolong, at San Julian. Sa mga munisipyong ito, lima na ang nagpadala ng request sa DSWD para sa dagdag na relief items.

Patuloy naman na hinahanda ng DSWD ang nga Family Food Packs (FFPs) na ipapadala sa mga nag-request na munisipyo. Sa kasalukuyan, mayroong 13,103 na FFPs ang ahensya na nakaimbak sa iba’t-ibang strategic na lokasyon sa buong Rehiyon. Inaasahang makakapag-release ang DSWD ng FFPS sa lalong madaling panahon.

Ipinapaalala ng DSWD na ang lokal na pamahalaan ang pinakaunang rumeresponde sa mga sakuna, at maari silang mag-request ng dagdag na relief items mula sa DSWD kapag kinakailangan. Handa naman ang DSWD para tumugon sa mga request nitong nga naapektihang munisipyo.

#DSWDMayMalasakit
#JolinaPH

photo credits: DSWD Eastern Samar Sub-Field Office