Kumpleto na ang pag-release ng DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Jolina. Ito ay matapos na makapag-withdraw ng kani-kanilang alokasyon ang lahat ng mga LGU na nag-request ng relief items mula sa ahensya.

Sa pinakahuling tala, nakapag-release na ang DSWD Eastern Visayas ng 24,767 na FFPs. Nagkakahalaga ito nang P12,192,449. Kasama sa mga LGU na nag-request at nag-withdraw ang sumusunod:

2,500 FFPs sa Quinapondan
1,000 sa Mercedes
2,000 sa Maydolong
2,000 sa Hernani
1,671 sa Salcedo
2,000 sa Lawaan
2,500 sa General Macarthur
2,315 sa Calbiga
2,484 sa Tagapul-an
1,900 sa San Sebastian
475 sa Jiabong
404 sa Tarangnan
265 sa Catbalogan City
1,144 sa Sto. Niño
143 sa Almagro
1,304 sa Zumarraga at
662 sa Burauen

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa mga LGU para sa pamamahagi ng mga FFPs na ito sa mga benepisaryo.

Ipinapaalala ng DSWD na ayon sa Section 15 ng Republic Act 10121, ang lokal na pamahalaan ang nangunguna sa pagresponde sa mga sakuna. Maaring magpadala ang DSWD ng FFPs kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit