Dumating kamakailan ang 5,000 na Family Food Packs (FFPs) sa DSWD Eastern Visayas. Ipinadala ang mga FFPs na ito mula sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) ng DSWD Field Office VII bilang augmentation o tulong para sa Rehiyon. Dahil sa pagdating nitong dagdag na FFPs, mas lalong lumakas ang kakayahan ng DSWD na rumesponde sa mga sakuna na maaring dumating lalo na ngayong tag-ulan.

Sa kasalukuyan, may nakaimbak na 15,296 na FFPs ang DSWD Eastern Visayas. Kasama dito ang 10,431 na nasa Regional Resource Operations Section, habang ang iba naman ay naka-preposition sa iba’t-ibang bahagi ng Rehiyon.

Ang prepositioning ay ang pag-iimbak ng mga relief sa mga strategic na lokasyon, malapit sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo. May 3,650 FFPs na naka-preposition sa Northern Samar, 1,000 sa Samar at 200 sa Eastern Samar.

Pinapaalala naman ng DSWD na ayon sa Republic Act 10121, ang Local Government Units ang unang rumeresponde sa bawat sakuna. Maaaring mag-release ang DSWD ng mga relief items kapag mag-request ang mga LGU.

#DSWDMayMalasakit