Mapanghamong buhay sa Manila

Batid ng ilaw ng tahanan na si Arnee Salanguste ang hirap ng magka-pandemya dahil tanging ang asawa nalang nitong si Pedro ang kumikita sa kanilang dalawa.  Bago pa man ang pandemya ay piniling mag-resign ni Arnee dahil sa iniinda nitong sakit sa ulo  dala ng kanyang trabaho bilang call center agent sa lungsod ng Quezon City.

Naiintindihan naman ni Pedro na kailangan ng kanyang asawa ng mamalagi na muna sa bahay.  Pagmamaneho ng taxi naman ang ikinabubuhay ni Pedro.  Noong wala pa ang pandemya ay kaya ng kinikita ni Pedro na matugunan ang araw araw nilang gastusin. Ngunit nang magka-pandemay tilay ay mapanghamon ang kapalaran dahil halos Php 500 nalang kada araw n ang nakukuha niyang kita mula sa pamamasada.

 “Dahil nga ni-rerenta ko lang ang taxi ko at pahirapan sa pagkuha ng pasahero, maliit nalang ang aking naiiuwing pera sa bahay .Mahirap na din maikasya ang kada araw kong kita lalo na mayroon akong dalawang anak na nag-aaral pa.”, sambit ni Pedro

Gastusin sa pag aaral ng kaniyang dalawang anak at kanilang buwanang renta  sa inuupahang bahay ang ilan lamang sa kinakailangan nilang tugunan.

Dagdag ni Arnie, “ Noong may trabaho pa ako at okay pa ang kita ng aking asawa ay nakakapagpadala pa ako ng pera sa aking magulang bilang tulong na rin sa kanila, ngunit nang nagkapandemya ay sila  na ang nagpapadala pag  kulang ang panggasto namin.”

Pagbabakasakaling makabangon

Dahil sa hirap na dinaranas ng pamilya Salanguste sa kamaynihalan dulot ng pandemya ay nais na nila Arnee ,Pedro at nang kanyang dalawang (2)anak na bumalik na ng probinsya sa Leyte. 

Nabalitaan ng kanilang pamilya  na mayroong programa ang gobyerno patungkol sa Balik Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) program. Hindi sila nagdalawang isip ay na magsumite ng online application sa website ng National Housing Authority (NHA). Nagbabakasakali ang kanyang kanilang pamilya ito na ang kanilang inaantay na tulong para sila ay makauwi na sa kanilang probinsya at doon ay tataya para sa magandang bukas.  

Pagkatapos naman ng masusing balidasyon at assessment mula sa lokal na pamunuan at ng DSWD sa kanilang sitwasyon ay naging matagumpay ang kanilang aplikasyon na mapabiling sa benepisyaryo ng BP2 program.

Nakauwi ang pamilya Salungguste sa Calubian Leyte noong buwan ng April ngayong taon. Sa kanyang pag-uwi, dala dala nila ang pag-asang makapagsimula ng panibagong buhay sa pamamagitan ng matatanggap na  tulong pinansyal mula sa mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Tulong mula sa DSWD

Hindi naman nabigo ang pamilya Salanguste sa kanilang pag-tiwala sa gobyerno nang makatanggap sila ng tulong pinansyal para sa pagpataguyod ng kanilang kabuhayaan sa pamamagitan ng Livelihood Settlement Grants (LSG) ng Department of Social Welfare and Developemnt (DSWD)  sa ilalim ng BP2 program.

Ang Livelihood Settlement Grant ay isang tulong pinansyal na inaabot sa kwalipikadong pamilya o indibidwal ng programa para makapagsimula ng kabuhayan sa kanilang inuwiang probinyya o munisipyo . Ito ay maaaring gamiting puhunan o kapital o panggastos sa  pag asikaso ng employment requirements kung trabaho ang pipuliing hanapbuhay 

Pinili ng pamilya Salanguste ang pagpapatayo ng sari-sari store o tindahan bilang kabuhayan.

“Nang mai-abot sa amin ang cheke para sa LSG halos mangiyak ngiyak ako sa saya. Pinapangarap ko na talaga ang magkaroon ng tindahan bilang negosyo kahit nasa Manila palang kami. Wala lang puhunan noon kaya hindi ako makapag simula. Mabuti nalang at nandyan ang DSWD.”, masayang tugon ni Arnee.

­Sa pagbabahagi ni Arnee, umaabot ng Php 1,000 ang kinikita nila kada araw mula sa tindahan.Nasusuportahan ng kita nila mula sa  tindahan ang pa-aaral at araw araw na gastusin nila sa bahay.

Saad ni Arnee,“Marami namang bumibili sa amin lalo na kung maganda ang panahon. Ang laman ng aming sari sari store ay de lata, bigas at mga pang araw araw na kailangan ng tao. Malaking tulong sa amin ang nakukuha naming kita mula sa tindahan. Hindi na rin namin kailangang mangutang sa iba upang maka-survive lang sa kada araw.”

Hindi lamang Livelihood Settlement Grant ang nakuha tulong ng pamilya Salanguse mula sa DSWD sa ilalim ng BP2 program. Sila rin ay kwalipakadong nakatanggap ng Transitory Family Support Package.

Ang Transitory Family Support Package ay suporta para sa pagkain at mga kagamitan na kinakailangan ng pamilya na nasa yugto ng kanilang paglipat o transition period sa inuwiang probinsya o munisipyo

Ani ni Arnee, ang tulong pinansyal na ito ay ipinambiili nila ng mga kagamitan sa bahay at mga gamit  na kinakailangan para sa pagpapatayo ng kanilang bahay.

Para naman sa kanilang lupa ay hindi na ito nila pinoproblema pa dahil nabili na ito nila noon pa man na mayroon pang trabaho si Arnee.

Pangako naman ng pamilya Salunguste na hindi nala sasayangin ang tulong na ipinagkaloob ng DSWD sa ilalim ng BP2 para sa kanilang bagong simula.

Ipinapaabot nila ang kanilang pasasalamat sa lokal na pamunuan ng Quezon City at Calubian at ng DSWD para sa pag-aalay sa kanila mula sa assessment ng kanilang aplikasyon hanggang sa monitoring o apgsubaybay ng pinaglaanan nilang tulong pinansyal mula sa DSWD sa ilalim ng BP2.

“Salamat sa DSWD. Salamat sa lahat ng tumulong sa aming pamilya upang kami ay makapag simula ulit. Salamat at hindi niyo kami pinabayaan.” ani ni Arnee.

Ang tindahang naitaguyod ng pamilya Salanguste sa pamamagitan ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ng DSWD sa ilalim ng BP2 program.

Ang Pamilya Salanguste mula sa Calubian, Leyte.