Ngayong panahon ng Kapaskuhan, nagpapatuloy DSWD Eastern Visayas sa paghahanda laban sa ano mang sakuna na maaring mangyari.

Sa kasalukuyan, may nakahandang 13,580 na Family Food Packs (FFPs) ang DSWD. 7,886 sa bilang na ito ang nakaimbak sa main warehouse nito sa Regional Resource Operations Section sa Palo, habang naka-preposition naman ang 3,694 sa Northern Samar, 1,000 sa Eastern Samar, at 1,000 sa Samar. Ang prepositioning ay isang estratehiya kung saan iniimbak ng DSWD ang mga relief items sa mga strategic na lugar sa buong Rehiyon. Sa kabuaan, nasa P6,747,243.65 ang halaga nitong mga nakaimbak na FFPs.

Pinapaalala naman ng ahensya na ang unang responder sa bawat sakuna ay ang lokal na pamahalaan. Maaring mag-release ang DSWD ng mga relief items kapag mag-request ang LGU.

#DSWDMayMalasakit