Nakiisa ang DSWD Eastern Visayas sa isinagawang 4th Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED) kung saan ipinakita ng Disaster Response Management Division ang kahandaan ng opisina sa oras ng lindol sa pamamagitan ng pag-Drop, Cover and Hold noong Nobyembre 11, 2021.

Ang National Simultaneous Earthquake Drill ay isang ensayo na isinasagawa bawat quarter. Sa pangunguna ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ito ay nilalahukan ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, mga Local Government Unit, at mga non-government at pribadong organisasyon. Layunin nito na masanay ang mga kalahok kung papaano makaligtas sa mga lindol gamit ng Drop, Cover and Hold. Kapag lumindol, dapat dumapa (Drop), maghanap ng matibay na masisilungan (Cover) at manatili doon hanggang matapos ang lindol (Hold). Tinuturo din kung papaano lumikas ng maayos.

Ang paglahok sa mga drill na ito ay bahagi ng paghahanda ng ahensya laban sa mga sakuna. Ayon kay DSWD Secretary Rolando Bautista, “Hinihikayat po natin ang lahat na makiisa sa amin na mag-duck, cover, and hold, upang maipalaganap natin ang tamang kahandaan sa lindol. Sama-sama nating suportahan ang mga inisyatibo ng ating gobyerno upang mabawasan ang banta na kinakaharap ng ating bansa mula sa lindol, tsunami, at iba pang uri ng sakuna at kalamidad. Tunay ngang wala nang hihigit pa sa pagiging laging handa.”

#DSWDMayMalasakit
#NSED