Nakibahagi ang DSWD Eastern Visayas sa isinagawang Serbisyo Caravan sa Brgy. San Jose, Malitbog, Southern Leyte. Sa pangunguna ng Office of Civil Defense at kasama ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno, katulad ng Philippine Army, Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, inilapit ng mga ahensyang ito ang kanilang mga serbisyo sa mga residente ng nasabing barangay.

Nagbahagi ang DSWD ng 316 na Family Food Packs (FFPs) sa nasabing Caravan. Bawat FFP na pinamigay ay may laman na anim na kilo ng bigas, sampung de lata, limang kape at limang cereal energy drink. Maliban sa pamamahagi nitong mga FFPs, nagkaroon din ng cooking contest kun saan ibinida ng mga taga barangay ang iba’t-ibang paraan ng pagluto sa mga laman ng FFPs.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang relief operations ng DSWD para sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette.

#DSWDMayMalasakit