Tingnan: Katuwang ang Philippine National Police, nag-unload ngayon ang DSWD Eastern Visayas ng Family Food Packs (FFPs) mula sa National Resource Operations Center (NROC) ng DSWD Central Office. Nagpadala ang NROC ng 5,000 na FFPs na ito bilang augmentation o suporta sa patuloy na isinasagawang relief operations para sa mga LGU na naapektuhan ng bagyong Odette.

Sa pinakahuling tala ngayong Pebrero 10, nakapamahagi na ang DSWD ng 206,582 FFPs na nagkakahalaga ng P120,771,162.06 sa 30 na mga LGUs. Kasama dito ang lahat ng LGU sa Southern Leyte, 10 sa Leyte at isa sa Eastern Samar. Maliban dito, nakapamahagi na rin ang ahensya ng Non-food Relief Items na nagkakahalaga ng P41,760,870.50.

Makipag-ugnayan sa mga lokal na opisyal para sa distribusyon ng mga relief items sa inyong lugar.  

#DSWDMayMalasakit
#OdettePH