Nagsagawa kamakailan ng Advocacy Campaign ang DSWD Eastern Visayas laban sa Trafficking in Persons at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan at mga bata. Sa pangunguna ng Recovery and Reintegration Program for Trafficked Persons (RRPTP) na programa ng DSWD, tinalakay ng ahensya ang mga karapatan ng mga babae at mga kabataan at ang mga batas na nagbibigay ng proteksyon sa kanila laban sa pang-aabuso.

Dumalo sa mga nasabing orientation ang mga miyembro ng Barangay Council for the Protection of women and Children, at mga Social Work na mga estudyante.

Ang RRPTP ay isa sa mga programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong o social services para sa mga naging biktima ng mga pang-aabuso katulad ng human trafficking, prostitusyon, online sexual exploitation of children, labor trafficking, at illegal recruitment.

Kasama sa mga social services na ibinahagi ng programa para sa mga biktima ng human trafficking ang educational assistance, transportation assistance,counselling at temporary shelter or accommodation. 

#DSWDMayMalasakit