Nagpapatuloy ang DSWD Eastern Visayas sa pamamahagi ng Social Pension para sa mga indigent na senior citizens dito sa Rehiyon VIII. Sa pinakahuling tala ngayong Mayo 10, nakapamahagi na ang DSWD ng P65,605,500 sa 43,737 na mga senior citizens sa buong Rehiyon. Kabilang sa mga nakatanggap ang 20,415 na senior citizens sa Leyte, 3,799 sa Biliran, 6,027 sa Samar, 10,436 sa Eastern Samar, at 3,060 sa Northern Samar 

Inaasahan namang madadagdagan pa ang mga senior citizens na makatatanggap ng kanilang pension habang patuloy ang DSWD sa isinasagawang distribusyon. 

Ang Social Pension for Indigent Senior Citizens ay isang programa ng DSWD na nagsisilbing dagdag-tulong para sa mga mahihirap na nakatatanda na hindi tumatanggap ng pension mula sa SSS, GSIS, atbp, at hindi rin regular na nasusuportahan ng mga kamag-anak. Ito ay nagkakahalaga ng P1,500 at nakatakdang ipamahagi bawat quarter, o ikatlong-buwan.

Para sa iskedyul ng pamamahagi ng social pension sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa lokal na OSCA (Office of Senior Citizens Affairs) Head.

📸 Social Pension PDOs

#DSWDMayMalasakit