Nagtutulungan ngayon ang mga kawani ng DSWD Field Office VIII mula sa iba’t-ibang programa sa pag-encode at pag-verify ng mga accomplished Listahanan Household Assessment Forms (HAFs).

Tulong-tulong sa pag-encode ng mga HAFs ang mga Encoders, Municipal Roving Bookkeepers at Social Welfare Assistants mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), habang pinangunahan naman ng Policy and Plans Division ang pag-verify ng mga accomplished HAFs.

Nagsagawa din ang National Household Targeting System (NHTS o Listahanan) ng orientation para sa mga programang ito, bilang Technical Assistance.

Ang mga HAFs na ito ay mula sa isinagawang Listahanan Special Household Assessment para sa mga benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) at Regular Conditional Cash Transfer (RCCT) sa Rehiyon na hindi nakasama sa Listahanan 3 Household Assessment noong taong 2019.

#DSWDListahanan

#DWSDMayMalasakit