Nagliwanag ang Barangay Zone 6 sa San Roque, Northern Samar matapos makumpleto ang 38 Solar Streetlights na proyekto ng komunidad sa ilalim ng DSWD KALAHI-CIDSS, at sa pakikipagtulungan ng LGU at Barangay.

Napili ang streetlights na ito bilang proyekto ng barangay matapos na makita ang pangangailangan para dito. Ayon sa mga taga-barangay, nagkaroon na ng aksidente sa lugar at mahirap din ang pagresponde sa panahon ng mga sakuna dahil sa dilim.

Umabot sa P1,646,210.00 ang halaga ng proyekto. Sa halagang ito, P1,402,315 ang ibinahagi ng KALAHI, P156,250 ang mula sa LGU, habang P87,645 naman ang galing sa BLGU.

Kamakailan, nagsagawa ang DSWD at ang lokal na pamahalaan ng turnover ceremony para sa proyekto. Dumalo bilang kinatawan ng DSWD sina Assistant Regional Director for Operations Natividad Sequito at ang Northern Samar Sub-Field Office Team Leader Nena Getalado. Dumalo din si San Roque Municipal Mayor Don L. Abalon, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan. Malugod na itinurn-over ng DSWD ang proyekto sa barangay, kung saan 496 na pamilya mula sa 411 na sambahayan ang makikinabang sa nasabing proyekto.


#DSWDMayMalasakit