BASAHIN: Social Pension Program 2022 Updates

Matiwasay at maayos na naganap ang pangalawang quarter na pamamahagi ng Social Pension Program noong August 30- September 2, 2022 sa munisipalidad ng Merida, Leyte.

Tinatayang nasa 1,713 ang kabuoang bilang ng mga benepisyaryo na nakatanggap ng Php 1,500 bilang quarterly financial assistance.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng quarterly payouts sa iba’t ibang munisipyo/bayan sa rehiyon. Sa kabilang dako, pinapaalalahanan naman ang mga indigent Senior Citizens na benepisyaryo ng programa na manatiling naka-antabay sa announcements ng kanilang mga City/Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) para sa nakalaang schedule at venue na pagdadausan ng payout sa kanilang mga lugar.

Bukas din ang himpilan ng DSWD Field Office VIII at lokal na pamunuan sa pamamagitan ng kanilang C/MSWDO para sa iba pang katanungan hinggil sa Social Pension program.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#dswdsocialpensionprogram