Lakad at tulak upang umusad sa kabila ng mga hamon ng buhay

Nagkapatong patong ang mga hamon sa buhay sa pamilya nila Jhosie Milagrosa and Joselito Gondong nang dumating ang pandemya. Naaksidente si Joselito sa pinagtatrabahuan niya sa factory nang mag-malfunction ang makina na kanyang hinahawakan. Dahil sa aksidenteng ito, nasunog ang kanyang balat sa bandang likod at leeg.  Pagkatapos ng pangyayaring ito, kalaunan ay isa siya sa mga natanggal na trabahante sa mismong factory dahil kailangan magbawas ng empleyado  dala ng pandemya. Halos sumuko na sa buhay si Joselito at Jhosie ngunit iniisip nilang maging matatag para sa kanilang mga anak, lalo na at bagong panganak si Jhosie.

Sambit ni Joselito, “Awang-awa ako sa aking mag-iina dahil dapat ang inaalagan ni Joshie ay an gaming dalawang anak lalo na at kapapanganak pa lang niya sa ikalawang anak namin, ako yung inaalagan niya. dahil kailangan kong magpagaling dahil sa sunog sa balat.” Dagdag nito  ang kanyang asawa na ring si Jhosie ang siyang naghanap ng pwedeng pagkakitaan. Gumagawa at nagtitinda si Jhosie ng basahan. Kahit paano ay nasa Php 200-300 ang nakukuha nilang kita sa kada araw. Ito ang nagpatawid sa kanilang mga gutom na sikmura. Nguni ang kita nilang ito mula sa basahan ay malayo sa Php 6,000 na nakukuha ni Joselito kada lingo nang ito ay nagtatrabaho pa sa factory. Bayarin palang sa inuupa nilang bahay ay halos hindi na kakasya ang buwanang kita mula sa  basahan. Ito Dagdag pa sa kanilang iniisip ang pambayad  sa kuryente , tubig at pati na rin sa pagkain.

Halos dalawang beses sa isang araw nalang sila kung kumain. Banggit pa ni Joselito, “Minsan nagkakape nalang ako at ibinibigay ko nalang sa kanila ang aking pagkain.” Wala din silang ibang pamilya sa Manila. Ang mga pamilya nila sa Leyte ay hindi naman din sila magawang tulungan dahil hirap ito lalo na at pandemya.

Kahit nagpapagaling pa lang si Joselito mula sa aksidente ay pinilit niyang maghanap ng maaring mapagkakakitaan bagaman kagagaling lang nito sa pagpapagaling. Pahirapan pa rin makahanap ng mapapasukang trabaho. Buti nalang at mayroon silang kapitbahay na nagpahiram sa kanila ng pera. Dahil dito, nakaumpisa si Joselito ng maliit na negosyo. Nagbenta siya ng prutas habang ito’y tulak tulak sa maliit na kariton. Nililibot niya ang kalsada umaga hanggang gabi makapagbenta lang. Kahit papaano ay may kita rin ngunit batid ni Joselito na hindi talaga kaya nito habang tumatagal ang pandemya.

Nang malaman nila ang tungkol sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program ng DSWD ay dali-dali silang nag-apply dito.

“Nilakad ko agad ang mga requirements upang kami ay makapag-apply sa BP2. Literal na lakad ang ginawa ko dahil hindi lang sasakyan ang mahirap noong panahon na ‘yon pati pagkukunan ng pamasahe ay pahirapan.”, saad ni Joselito.

Hindi inalintana ni Joselito ang maulan at mainit na panahon paglalakad, maipasa lamang ang mga kinakailangang dokumento. Saad pa ni Joselito lahat ay magagawa niya para sa kaniyang pamilya maglakad man o magtulak ng kariton.

 Banggit naman ni Jhosie, “Gusto talaga naming mapasama sa programa kasi ito lang ang nakikita naming tanging pag-asa na makawala sa mahirap na sitwasyon na nararanasan namin sa  Manila at makapagsimula ulit ng buhay sa Leyte.”

Tubong Leyte sina Jhosie at Joselito. Parehong namuhay sa Manila para sa kani-kanilang pamilya hanggang sa doon na sila nagkakilala at bumuo ng sariling pamilya.

Pagsisimula ng bagong buhay sa Leyte, Pag-‘padyak’ para sa kinabukasan

Naging matagumpay ang kanilang aplikasyon sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program matapos silang ma-assess at ma-validate ng social workers.

Noong Hunyo ng taong 2021, nakabalik sa Kananga, Leyte ang pamilya nila Jhosie at Joselito. Sa kanilang pagbabalik sa Leyte, hindi natapos ang mga pagsubok. Tumira muna sila sa bahay ng biyenang-lalaki at ina ni Joshie ng isang buwan nang mayroong maganap na insidente ng hindi pagkakaunawan . Dahil dito sila ay pinalayas. Sumaklolo agad ang lokal na pamunuan ng Kananga sa kanilang pamilya. Kasama ng dalawang maliliit nilang anak, sila’y namalagi muna sa bakanteng opisina ng municipal hall ng Kananga.

“Lubos ang aming pasasalamat sa LGU kay Mayor Torres, kay MSWDO Mangalao, kay Ma’am Lemebeth at sa lahat ng tumulong sa amin. Hindi sila nagdawalang isip na kami ay tulungan sa mga oras na ‘yon”

Habang naghihintay ng assistance mula sa BP2 program ng DSWD ay naghanap muna si Joselito ng diskarte upang kumita.  Nag-‘boundary’ at nagmaneho munaito ng pedicab. Kumikita si Joselito ng Php 300.00 kada araw mula ditto.

Hanggang sa matanggap na nila ang Transitory Family Support Package mula sa  Balik Probinsiya , Bagong Pag-asa (BP2) program, sa ilalim ng KALAHI-CIDSS, na nagkakahalaga ng Php 45,000.00.  Ang Transitory Family Support Package ay suporta para sa pagkain at mga kagamitan na kinakailangan ng pamilya na nasa yugto ng kanilang paglipat o transition period sa inuwiang probinsya o munisipyo.

Ginamit nila ang assistance na ito upang nakahanap sila ng mauupahan at nakabili ng gamit.

“Halos wala kaming gamit nang dumating kami dito sa Kananga. Dahil sa assistance ng BP2 naging madali para sa amin ang makabili ng kinakailangan kagamitan sa loob ng bahay.”

Hindi rin nagtagal ay natanggap din nila ang assistance para sa Livelihood Settlement Grant mula sa Balik Probinsya Bagong Pag-asa (BP2) program sa ilalim ng DSWD Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ang livelihood Settlement Grant (LSG) o Livelihood Assistance ay tulong pinansyal na inabot sa kwalipikadong pamilya o indibidwal ng programa para makapagsimula ng kabuhayan sa kanilang inuwiang probinsya o munisipyo. Ito au maaaring gamiting puhunun o kapital o panggastos sa pag-asikaso ng employment requirements kung trabaho ang pipiliing hanapbuhay.

Napili ng pamilya ni Joselito na pedicab at babayuhan ang kinakailangan nilang pangkabuhayan.

Paglalahad ni Joselito, “Dahil sa pag-‘boundary ko nababawasan pa po ng Php 50.00 ang kinikita kong
Php 300 kada araw. Bigas na rin ‘yon. Ngayon na natanggap na rin namin ang pedicab bilang pangkabuhayan galing sa BP2, lahat ng kita ko sa pasada napupunta sa pangangailangan ng aming pamilya. Ngayon, nakakapag-uwi ako ng Php 400. Mayroon din kaming babuyan na hindi na matagal ay maibebenta na rin namin.  Kaya malaki ang aking pasasalamat sa DSWD sa walang sawang pag-alalay po sa amin.”

May nakuha rin silang assistance mula sa Department of Agriculture (DA) na poultry project. Ito ay dinaan sa isang aktibong asosasyon sa kanilang lugar. Bilang miyembro ng asosasyon na ito ay makakakuha sina Jhosie at Joselito ng 30% sa kita ng maibebentang manok.

Pagbabahagi ni Jhosie,“Malaki na ring tulong ang makukuha naming share sa poultry project na ito kaya taos-puso ang aminh pasasalamat sa DA.”

 “Yung matulungan lang kaming makapagsimula ay napalakaing bagay na sa amin, kami na ang bahalang magpaunlad sa mga assistance na natanggap namin. Hindi naman aaksayahin ang mga tulong na ito sa aming pamilya. Walang hanggan ang pagtanaw ng utang na loob namin sa DSWD. Simula sa pag-assess sa aming kalagayan sa Manila hanggang sa monitoring dito sa amin sa Leyte, hindi kami binitawan. Malaki rin ang aming pasasalamat sa LGU Kananga. Totoong napakabuti nila.”, pagpapatuloy ni Joselito.

Alam nila Joselito at Jhosie na nagsisimula pa lang silang bumangon mula sa pagkakalugmok.
Naniniwala rin sila na dapat pa nilang pagtrabahoan ang inaasam na maginhawang buhay.
Hindi man madali ang mga hamon pang darating sa kanilang pamilya ngunit panata nila sa isa’t isa na pagsusumikapan pa rin nilang i-‘padyak’ ang magandang kinabukasan ng kanilang dalawang anak.

“Unti-unti. Makakarating din kami doon”, pagtatapos ni Joselito.