Isang ilaw ng tahanan at 4Ps member, lisensyadong guro na!

Pagsusumikap

Noong nag-aaral pa lang si Janice Colinares- Andrade sa kolehiyo ay maraming sideline ang kanyang pinasukan upang mapa- aral ang sarili. Maliban sa kanyang tuition fee o matrikula, kailangan niyang magdoble kayod dahil nag-aaral din ang kanyang mga anak.

Noong nasa fourth year college si Janice, lahat ng kanyang limang (5) anak ay nag-aaral. Sa panhaon na iyun ay ang kanyang panganay na anak ay nasa first year college; ang kanyang pangawalang anak ay nasa Grade 11; pangatlong anak ay nasa Grade 9; at dalawa ay nag-aaral sa elementarya.

 Kahit na gaano man kahirap, nagtiyaga si Janice para sa kanyang pamilya at sa kanyang pangarap na makapagturo. Habang siya ay nag-aaral sa kolehiyo, naging working student siya sa Guidance office. Kahit paglalabada at pagtitinda ng gulay ay kanyang pinasukan para makadagdag sa kita.

Pagbabahagi ni Janice, Nagtiyaga po akong maitawid ang aking pag-aaral at ng aking mga anak sa gayun ay tuluyan na naming maputol ang chain of poverty.Pangarap ko rin ang makapagturo sa publikong paaralan.  Gusto  kong ibahagi ang akiing kaalaman ay maibahagi sa mga kabataan.”

Dahil pangarap ni Aliya gang pagtuturo ay sinubukan niyang mag-volunteer bilang Day Care teacher sa bayann ng Sta Rita bago pa man siya nag-aral sa kolehiyo. Kahit na maliit ang nakukuha niyang honorarium mula sa pagtuturo sa daycare ay ipinagpatuloy pa rin niya ito upang makakuha ng magandang karanasan bilang matibay na pundasyon sa pagtuturo

4Ps, kaagapay sa pagsusumikap ng pamilya

Isang magsasaka ang asawa ni Janice. Hindi sapat ang kita sa pagsasaka kung kaya’t patuloy na naghahanap ng sideline work o ibang pagkakakitaan si Janice para matustusan ang kanilang araw araw na pangangailangan.

Kaagapay ni Janice at ng kanyang pamilya ang gobyerno sa kanyang pagsusumikap nilang makaahon sa kahirapan. Bilang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), malaking tulong ang cash grants para sila ay tumawid sa magandang kinabukasan.

“Napakalaking tulong po ng 4Ps sa aming pamilya. Dahil po sa cash grant mula 4Ps, ako po ay  nakatapos ng Bachelor of Secondary Education at ang aking mga anak ay tuloy tuloy na nakapag-aral.”

Dahil din sa cash aid mula sa 4Ps,natulungan din sila na kanilang mga pangunahing pangangailangan.

“ Ipapaabot ko ang aking lubos na pasasalamat sa 4Ps, Kung wala ang tulong nito ay hindi ako aabot hanggang dito -ang makapasa sa LET at maging isang lisensyadong guro. Ipinagmamalaki ko na ako na ang aking pamilya ay isang Pantawid Grantee. Maraming salamat sa lahat!”, saad ni Janice.

Dahil sa alalay ng 4Ps, ang kanyang panganay na anak ay graduating student na sa kolehiyo habang ang kanyang pangawalang anak ay nasa second year college na; ang pangatlong anak ay nasa Grade 12; ang pang-apat na anak ay nasa Grade 7 at ang bunso ay Grade 5 na.

Sa ngayon, ang kanyang pangatlong anak nalang ang nag-iisang 4Ps monitored child.

Hindi lang sa cash grant nagpapasalamat si Janice at ang kanyang pamilya pati na rin sa mga natutunan niya mula sa Family Development Sessions (FDS) , trainings and seminars.

Tagumpay

Taong 2020 ay nakapagtapos si Janice mula sa Bachelor of Secondary Education sa Leyte Colleges. Agad siyang nag-apply at natanggap bilang guro sa Liceo del verbo divino sa Tacloban City. Tatlong taon na siyang nagtuturo sa Senior Highschool.

Mula noong siya ay makapagtrabaho ay dinala na niya ang kanyang pamilya sa Tacloban mula sa Sta. Rita Samar. Ang kanyang asawa ay naiwan sa Samar at nagpapadala para sa ibang gastusin ng kanilang anak.

Noong Oktubre 2022, sinubukan ni Janice na makakuha ng Licensure Examination for Teachers. Baon ang pagsusumikap at pangarap para sa pamilya at pagtuturo, hindi siya nabigo na makapasa at ngayon ay

Kung wala ang tulong ng 4Ps ay hindi ako aabot hanggang dito -ang makapasa sa LET at maging isang lisensyadong guro.Ipinagmamalaki ko na ako na ang aking pamilya ay isang Pantawid grantee. Maraming salamatganap na siyang lisensyadong guro.

“Sobrang happy po ako nung nabalitaan ko na nakapasa ako. Humahagulhol po ako sa kakaiyak, halos di na po ako makapagsalita sa tuwa. Nagpasalamat talaga ako sa panginoon kasi maikling panahon lang po ang iginugol ko sa pag- review.”, pagtatapos  ni Janice.

Batid ni Janice na marami pang pagsubok ang kakaharapin ng kanilang pamilya upang makamit ang tagumpay. Mananatili siyang magiging matiyaga at magsusumikap sa anumang hamong darating.

Pamilya Andrade