2nd Round 4Ps Special Assessment (Encoding Activity)

Kasalukuyang ginagawa ng mga Listahanan Encoders at Verifiers ang pag encode at pag biripika ng mga datos mula sa mga nakolektang Household Assessment Forms (HAFs) na isinumite ng mga nagbabahay-bahay na mga Listahanan Field Staff.

Ipinapasok ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng pag encode nito sa Data Entry Application (DEA) ng Listahanan. Matapos ma encode, isinasailalim naman sa beripikasyon ang mga datos kung saan tinitiyak na tama at wasto ang mga impormasyon na na encode sa system.

Matatandaang nagbigay direktiba si DSWD Secretary Gatchalian na isagawa ang 2nd Round 4Ps Special Assessment upang matukoy, makapanayam at mapabilang sa Listahanan 3 database ang mga hindi pa na assess na mga benepisyaryo ng 4Ps.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3