Congratulations, Department of Social Welfare and Development Field Office VIII!

Isang parangal bilang Outstanding Stakeholder sa ilalim ng #KamaatamanKatbalogan Development Agenda ang natanggap ng DSWD Field Office VIII at Regional Juvenile Justice and Welfare Committee VIII sa ginanap na State of the City Address (SOCA) 2024 sa Catbalogan City noong March 9, 2024. Ito ay dinaluhan ni DSWD Field Office VIII Regional Director Grace Q. Subong.

Ang parangal na ito ay may patungkol sa walang katumbas na dedikasyon at suporta ng ahensya sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng nasabing lungsod.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD