TINGNAN | DSWD FO8, agad namahagi ng 694 FFPs sa mga pamilyang apektado ng armed conflict sa Mapanas Northern, Samar

Agad na namahagi ang DSWD Field Office 8 ng tig-dadalawang Family Food Packs (FFPs) sa bawat isa sa 347 na pamilyang apektado ng armed conflict sa Mapanas, Northern Samar, katuwang ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police at Philippine Army. Ito ay kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng Philippine Army at ng Communist Terrorist Group (CTG) sa boundary ng Brgy. Osmeña, Palapag at Brgy. Magsaysay, Mapanas, Northern Samar noong Marso 19, 2024.

Pansamantalang nawalan ng kabuhayan ang ilang residente sa nasabing lugar dahil sa pangyayari, kasunod na rin ng payo ng 74th Infantry Battalion na pansamantalang itigil ang pagsasaka at iba pang aktibidad malapit sa lugar ng engkuwentro, upang mapanatili ang kanilang kaligtasan. Bilang tugon, agad na nagbigay ng tulong ang DSWD sa pamamagitan ng pagpaabot ng 694 FFPs, partikular sa pangangailangan ng pagkain ng mga residente. Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang ahensya sa lokal na pamahalaan para sa iba pang mga hakbang na makakatulong sa mga naapektuhan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Photo: LGU Mapanas