TINGNAN | Nakaantabay ang DSWD Field Office VIII ngayong Semana Santa upang agarang tugunan ang anumang pangangailangan ng tulong sa rehiyon. Siniguro ng ahensya na may sapat na tauhan na handang rumesponde sa anumang emergency habang ginugunita ang mahal na araw. Katuwang ng ahensya ang iba pang member agencies Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) upang tiyakin ang kaligtasan sa pagdiriwang ng Semana Santa sa rehiyon.

#DSWDLagingHanda

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD