TINGNAN | 628 na pamilyang apektado ng armed conflict sa Palapag Northern, Samar nakatanggap ng tulong mula sa DSWD FO VIII.

Anim na raan at dalawampu’t walong pamilyang apektado ng armed conflict sa Palapag Northern, Samar noong Marso 19 ang nakatanggap ng tulong mula sa DSWD Field Office VIII. Bawat pamilya ay nakatanggap ng dalawang family food packs (FFPs) na aabot sa kabuuang bilan na 1,256 FFPs na naipaabot ng ahensya.

Matatandaang ang nasabing insidente ay nangyari sa boundary ng Brgy. Osmeña, Palapag at Brgy. Magsaysay, Mapanas kung saan aabot sa 1,007 na pamilya ang tinatayang apektado ang pamumuhay kasunod ng mandato ng peacekeeping authorities na pagsamantalang itigil ang pagsasaka at iba pang aktibidad para sa kanilang seguridad at kaligtasan.

Para sa relief augmentation sa inyong lugar, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD