“Listahanan database is very important kasi mas madali na para sa amin na matukoy kung sinu- sino ang dapat mabigyan ng tulong…para tamang serbisyo ang maibigay namin sa mga pamilyang nangangailangan,” ito ang pahayag ni Zerah Janette Leysa, Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) ng lokal na pamahalaan ng Tolosa, Leyte, matapos pormal na ibahagi ng DSWD Field Office VIII ang pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database sa nasabing lokal na pamahalaan noong ika-9 ng Mayo, 2024.

Sa 18,860 na mga indibidwal na na-assess ng Listahanan sa bayan ng Tolosa, Leyte, 9,636 na mga indibidwal ang natukoy ng Listahanan na mahirap.

Ayon pa kay MSWDO Leysa, bilang maituturing na 5th class municipality ang lokal na pamahalaan ng Tolosa, kailangan nila ng mga datos na tama at mapagkakatiwalaan upang matukoy ang mga pamilyang may mababang kita at upang maging prayoridad sila sa mga serbisyong panlipunan.

Para sa mga lokal na pamahalaan, publiko at pribadong mga ahensya sa Rehiyon Otso na nagnanais magkaroon ng access sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan, makipag ugnayan lamang sa National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII sa pamamagitan ng email na ito: nhts.fo8@dswd.gov.ph o di kaya ay bumisita sa opisina ng National Household Targeting Section ng DSWD Field Office VIII na matatagpuan sa Government Center, Candahug, Palo, Leyte.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BawatBahayMagkakasamaSaKaunlaran

#DSWDListahanan3