TINGNAN: Bilang tugon ng pamahalaan sa apektadong mamamayan dulot ng rising inflation lalo ang bulnerableng sector, inilunsad ngayong araw sa anim (6) na probinsiya ng Eastern Visayas ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ayon sa Special Provision No. 3, DSWD Budget ng General Appropriations Act of 2024.

Ang mga benepisyaryo ng AKAP ay kabilang sa low-income category o mga manggagawa na ang income ay minimum wage or mas mababa sa minimum wage na itinakda ng Department of Labor and Employment sa bawat sektor at rehiyon.

Nasa 26,000 benepisyaryo ang inaasahang mabibigyang assistance ng DSWD Field Office VIII ngayong araw sa iba’t ibang lokasyon sa rehiyon, katuwang ang mga ibat’ibang ahensiya ng pamahalaan at lider ng ating mga lokal na pamahalaan. 18 May 2024.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD

#BagongPilipinas