Sa pangunguna ng KALAHI-CIDSS Regional Program Management Office (RPMO), nailatag na sa Social Development Committee ng NEDA VIII Regional Development Council ang ipinapanukalang bagong proyekto nito- ang Panahon ng Pagkilos: Community-Driven Climate Action noong ika-31 ng Mayo sa ginanap na second-quarter meeting ng SDC.

Ibinahagi ni Engr. Gerardo C. Peñeda Jr., KALAHI-CIDSS Deputy Regional Program Manager, sa nasabing komite ang mga mahahalagang detalye na nakapaloob sa project brief nito. Ito ay bilang panibagong proyekto ng KALAHI-CIDSS, kasunod ng National Community-Driven Development Program- Additional Financing na nakatakdang magtapos ngayong taon.

Ito ang unang hakbangin ng programa upang makalikom ng suporta mula sa rehiyon para sa opisyal na pag endorso nito sa NEDA Board.

Inaasahang tatalakayin ang nasabing proyekto sa nalalapit na Regional Development Council meeting ng NEDA VIII, ang pinakamataas na planning and policy-making body sa rehiyon.

#MagKalahiTayoPilipinas

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD