Kasalukuyang nagbabahay-bahay ang mga piling kawani ng DSWD Field Office VIII upang isagawa ang Third Round 4Ps Special Household Assessment.
Ang special assessment na ito ay naglalayong interbyuhin ang 6,561 sambahayang 4Ps sa Rehiyon Otso na hindi natagpuan at hindi napabilang sa target noong mga nakaraang household assessment.
Pakay ng aktibidad na ito na siguraduhing matukoy, makapanayam at mapabilang sa pinakabagong talaan ng pamilyang nangangailangan o Listahanan 3 database ang mga hindi pa na-assess na mga benepisyaryo ng 4Ps.
Nakatakdang matapos ang household assessment Hulyo ngayong taon.
Ang Listahanan ay isang proyekto ng DSWD na naglalayong kilalanin at tukuyin kung sinu-sino at nasaan ang mga mahihirap sa bansa.