TINGNAN: Namahagi ang DSWD Field Office 08 – Eastern Visayas ng tulong sa pamilyang nusunugan ng bahay sa Mercedes, Eastern Samar.

Katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), namahagi ang DSWD FO8 ng Family Food Packs, hygiene kit, kitchen kit, sleeping kit, at family kit. Samantala, nagbigay naman ng 25 kilos na bigas ang Local Government Unit. Sa kabuuan, umabot sa P8,666.00 ang ipinamahaging tulong ng DSWD.

Patuloy namang nakikipag-ugnayan ang DSWD sa lokal na pamahalaan para sa iba pang mga pangangailangan ng nasunugang pamilya.

#BawatBuhayMahalagaSaDSWD