Namahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 8 ng 3,643 Family Food Packs (FFPs) sa mga benepisyaryo ng Project LAWA at BINHI Food-for-Work program sa Southern Leyte, kabilang ang mga bayan ng Libagon, Silago, San Ricardo, at Bontoc.
Nagsagawa ang mga benepisyaryo ng paglilinis sa kanilang mga communal garden at aquaculture projects, pati na rin ng muling pagtatanim upang mapanatiling maayos at kapaki-pakinabang ang mga itinayong proyekto noong nakaraang taon. Kapalit nito, nakatanggap sila ng tig-isang food pack.
Patuloy ang ahensya sa pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan upang palakasin ang katatagan ng mga komunidad laban sa epekto ng climate change at maisulong ang pangmatagalang seguridad sa pagkain.
#BawatBuhayMahalagaSaDSWD
#projectlawaatbinhi






