Kamakailan, nag-release ang DSWD Eastern Visayas ng 496 na Family Food Packs para sa munisipyo ng Pambujan, Northern Samar. Ito ay matapos mag-request ng FFPs ang munisipyo upang matulungan ang mga pamilya na lumikas mula sa kani-kanilang mga barangay pagkatapos magkaroon ng engkwentro ang mga sundalo ng 8th Infantry Division at ang isang armadong grupo.

Sa pinakahuling tala, 494 na pamilya (1,951 katao) mula sa tatlong barangay (Cagbigajo, Geadgawan, Igot) ang naapektuhan nitong engkwentro. Sa bilang na ito, 384 na pamilya ang nagsilikas.

Sa ngayon, nakapamahagi na ang DSWD, ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) at ang Local Government Unit ng Pambujan ng P190,375.50 na halaga ng tulong para sa mga apektadong pamilya. Patuloy pa rin ang pamamahagi nitong mga relief items.

#DSWDMayMalasakit

photo credits: Alma Ballesteros