
Agarang nagpreposition ang DSWD Eastern Visayas ng 1,400 na Family Food Packs sa Eastern Samar State University matapos pirmahan ng dalawang ahensya ang isang Memorandum of Agreement (MOA). Sa bisa ng MOA na ito, pinahihintulutan ng ESSU na gamitin ng DSWD ang ilang pasilidad ng paaralan bilang warehouse, kung saan maaring imbakin ang mga Family Food Packs (FFPs) at iba pang mga relief goods.
Bahagi ito ng estratehiya ng DSWD na magprepositioning, kung saan inilalagay ng ahensya ang mga relief items sa mga strategic na lugar bago pa man magkaroon ng sakuna. Sa Eastern Samar, napili ang ESSU campus sa Borongan City at munisipyo ng Can-avid dahil sa lapit nila sa mga lugar na madalas maapektuhan ng bagyo.
Nakapag-preposition na ang DSWD ng 700 na FFPs sa ESSU Borongan City at 700 naman sa ESSU Can-avid bago dumating ang bagyong Bising. Ang mga FFPs na ito ay gagamitin upang matugunan ang pangangailangan ng Oras at Can-avid, Eastern Samar, dalawa sa mga munisipyong naapektuhan ng bagyo.
#DSWDMayMalasakit
#OneDSWD
#FO8isGr8
Basahin ang tungkol sa MOA signing dito: https://fo8.dswd.gov.ph/2021/04/dswd-at-essu-pumirma-ng-kasunduan-para-sa-prepositioning/