“Maraming salamat sa inyong lahat, at sa pakikipagtulungan ninyo, ng LGU at ng DSWD, naiturn-over din natin itong mga pabahay!” Ito ang mensahe ni DSWD Assistant Secretary Rodolfo Encabo sa isinagawang turnover ng Core Shelter Assistance Project (CSAP) sa Hilongos, Leyte. 207 na pabahay ang nai-turnover sa nasabing aktibidad, na dinaluhan ng DSWD, LGU at iba pang mga opisyal mula sa probinsya ng Leyte.

Ang CSAP ay isang proyekto ng DSWD na naglalayong makapagpatayo ng ng matibay at murang pabahay para sa mga nawalan ng bahay dahil sa bagyo. Ang mga bahay na ito ay kayang makatayo kahit sa harap ng 220kph na hangin, mga lindol na umaabot ng intensity 4 sa Richter scale at iba pang parehong sakuna. Bawat pabahay na ito ay nagkakahalaga nang P70,000.

Maliban sa pabahay, nagbahagi din ang DSWD ng P1,950 na Cash-for-Work (CFW) para sa bawat benepisaryo. Ang CFW ay isang component ng CSAP, kung saan binibigyan ng pinansyal na tulong ang mga benepisaryo para sa kanilang mga pangangailangan habang itinatayo ang CSAP.

Nagpapasalamat naman ang DSWD sa lokal na pamunuan ng Hilongos, na naging katuwang ng ahensya upang maipatayo itong mga pabahay. Nagbahagi ang LGU ng 2.3 hectares na lupa upang pagtayuan nitong CSAP. Nagbahagi din ang LGU ng CFW na umabot nang P1,484,000 at inasikaso ang road right-of-way. Nagbahagi naman ang Provincial Government Unit ng P10,000 para sa bawat benepisaryo.

Sa kabuuan, 281 na pabahay ang nakatakdang itayo sa Hilongos. 207 dito ang naiturn-over na, habang ang natitirang 74 ay patuloy na itinatayo at inaasahang mai-tuturnover sa lalong madaling panahon.

#DSWDMayMalasakit