Si Wilma ay laging handang harapin ang hamon sa buhay. May kapansanan man siya sa paa ay kumakayod siya sa pagluluto at pagbebenta ng cassava cake. Katuwang niya ang asawa sa paghahanap buhay. Ang kanyang mister ay naglalako nag taho.

Bukod dito ay aktibo rin si Wilma bilang Kalahi CIDSS community volunteer.

Pinagsasabay ni Wilma ang pagbebenta ng cassava at pagboboluntaryo sa pag-aasikaso ng kanyang tatlong anak.

Natigil si Wilma at ang kanyang asawa sa paghahanap buhay bunsod ng community quarantine. Umaasa nalang sila sa bigay na relief goods mula sa barangay at munisipyo.

Sa panahong walang wala na silang mapagkukunan ng pagkain ay ayuda na mula sa Social Amelioration Program nalang ang kanilang inaasahan. Kaya’t taos-puso ang kaniyang pasasalamat sa natanggap nilang ayuda.

Ika nga niya ay prayoridad nila ang pagbili ng pagkain at gamot.Kung matapos ang krisis, si Wilma kasama ng kanyang asawa ay patuloy na magsusumikap upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya

.#DSWDMayMalasakit#DSWDKalingaAtPagmamahal#WeHealAsOne@dswdserves Department of Social Welfare and Development(credits: DSWD AC Cris Villareal | Jover Becina)