TIGNAN

Sa paglunsad ng Kalahi-CIDSS program ng Disaster Response Operation Procedure (DROP) sa Eastern Visayas ay tinitiyak ng DSWD at lokal na pamunuan sa pamamagitan ng kanilang
Local COVID-19 Task Force, local disaster risk reduction and management council (LDRMMC) at municipal health office (MHO) na istriktong ipinapatupad ang health protocols sa anumang aktibidad na gagawin upang matiyak na rin ang kaligtasan ng lahat.

Kabilang sa mga ipinapatupad na health protocols at measures bago pumasok sa venue ay pagkakaroon ng sanitation section at thermal scanning. Sinusunod din ang physical distancing at pagsusuot ng mask ng mga partisipante. Samantala, ang bilang naman ng mga partisipante ay kontrolado at kalahati sa kapasidad ng venue.

Ang Disaster Response Operation Procedure (DROP) ay isang pamamaraan ng DSWD Kalahi-CIDSS program upang mabawasan ang ilang mga epektong dala ng COVID19 sa mga pamayanan.

Sa ilalim ng DROP, ang DSWD Kalahi-CIDSS ay mag-aabot ng karagdagang tulong sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagpopondo sa mga proyektong ang komunidad ang mismong tumukoy. Itinataguyod din nito ang Community-Driven Development sa panahon ng krisis sa pagsisigurado na ang komunidad ay parte ng pagpapasya at pagpaplano ng mga lokal na pamunuan.

Sa kasalukuyan, natapos na ng 26 munisipyong saklaw ng programa ang pagsagawa ng Municipal at Barangay Disaster Risk Management Council(M/BDRRMC) planning kung saan pinagplanuhan ng komunidad ang mga proyektong tutugon sa epektong dulot ng COVID-19. Pagkatapos nito ay naghahanda na ang komunidad sa pagsagawa ng project proposals sa tulong ng mga Development Management Officers ng DOH ng bawat munisipyo.

#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID19PH
#DSWDKalahiCIDSS
#ThisIs8!
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!