Family Food Packs Dumating sa Ormoc Port

TINGNAN: Dumating ngayong araw ang 6,500 family food packs (FFPs) sa Ormoc Port lulan ng heavy landing craft, BRP Batak (LC-299) ng Philippine Navy. Taos-puso ang pasasalamat ng DSWD Field Office VIII sa mga partner agencies: Visayas Disaster Resource Center (VDRC), Regional Disaster Risk Reduction and Management Council Eastern Visayas (RDRRMC 8 ), Office of Civil Defense Regional Office 8 (OCD 8 ), Office of Civil Defense Regional Office 7 (OCD 7), Philippine Ports Authority (PPA), City Government of Ormoc, AFP Visayas Command, Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng assistance sa matagumpay na unloading at transport ng nasabing relief items. Inilaan ng DSWD ang mga FFPs bilang resource augmentation support sa mga lokal na pamahalan ng Dolores, Arteche, Borongan City, General MacArthur at Maydolong sa probinsya ng Eastern Samar. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Produktong Dala ng Ibag Water Farmers Association, Bulod Agricultural Cooperative, at Balud Fisherfolks Association, Mabibili sa “Tabo ha DSWD”

Tuba galing ng Barugo at iba pang produkto mabibili rin sa “Tabo ha DSWD”! Hindi pwedeng palampasin ang mga produktong dala ng Ibag Water Farmers Association, Bulod Agricultural Cooperative, at Balud Fisherfolks Association sa kasalukuyang ginaganap na “Tabo ha DSWD.” Bukod sa sikat na tuba ng Barugo, mayroon din silang tinitindang suka, fresh eggs, mga samu’t saring gulay, at turmeric. Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang ngayong araw, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary. Tara na, panabo kita ha DSWD! #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

GADering sa Otso

GADering sa Otso: Sa pagsisimula ng selebrasyon ng Pitumpu’t dalawang taong anibersaryo ng DSWD, nagsama-sama ang mga kawani sa DSWD mula sa regional office at anim na Sub-Field Offices sa iba’t ibang probinsya ng Eastern Visayas para sa Kick-Off activity noong Pebrero 6, 2023 sa Leyte Academic Center at DSWD Field Office VIII grounds, Candahug Palo Leyte. Sa nasabing kick-off activity, tinalakay ang tungkol sa Gender and Development (GAD) partikular na ang Gender Mainstreaming. Sa pamamagitan ng diskusyon na ito, inaasahan na maisulong ang pagiging inklusibo sa trabaho; pagtiyak na walang maiiwan sa itinataguyod na gender equality. Bukod sa diskusyon tungkol sa GAD, nagkaroon din ng cheer dance competition, float competition at parade na nilakuhan ng mga empleyado. Ang mga aktibidad na ito ay isinasagawa upang magkaisa, pagyamanin ang pakikipagkaibigan at ipakita ang mga talento ng mga empleyado. Ang mga aktibidad na ito ay isinasagawa upang mapabuti ang pagsasamahan ng mga empleyado at magkaisa upang mas matibay, mas mahusay at maagap na lingkod bayan para sa mga higit na nangangailangan.

Mga Produkto ng Abuyog sa DSWD FO8 Candahug Grounds!

Mga produkto ng Abuyog sa DSWD FO8 Candahug Grounds! Ang bantog na honey (dugos) ng Abuyog, Leyte, oyster-mushroom polvoron, at iba pang mga kakanin na mula sa Canario-Tabigue Irrigator’s Association at Choco Moron & Delicacies SLPA ng Abuyog, Leyte ay kabilang sa mga produktong kasalukuyang tinatampok sa “Tabo ha DSWD.” Maaari ring makabili ng iba produktong pagkain sa kanilang booth kagaya ng tikoy, sapin-sapin, cassava cake, moron, at suman-latik sa halagang 100.00 Php – 140.00 Php per pack. Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang bukas, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary. Panabo kita ha DSWD! #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Mga Produkto ng “Rural Improvement Club (RIC) Camp Downes Home-Based Association” nasa Tabo Booth ng DSWD Field Office VIII

Mayroong mga sari-saring prutas at iba pang produkto sa “Rural Improvement Club (RIC) Camp Downes Home-Based Association” Tabo Booth! Hindi na kailangan pang dumayo sa siyudad ng Ormoc para matikman ang kanilang tinatangkilik na pinya at iba pang mga prutas at produkto dahil dala ng RIC Camp Downes Home-Based Association ng Ormoc City ang kanilang mga produkto sa “Tabo ha DSWD.” Tampok sa kanilang booth ang mga ipinagbibiling prutas kagaya ng pinya, mangga, langka, at iba pa. Mayroon din silang mga panindang black rice coffee, black rice tea, salabat, 5-in-1 organic coffee, turmeric powder, traditional massage oil, turmeric lenimint oil, turmeric rub, gulay noodles, at gulay crackers. Ang mga produktong ito ay gawa mismo ng 38 na miyembro-benepisyaryo ng nasabing grupo. Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang bukas, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary. Panabo kita ha DSWD! #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Tara na sa “Gawang Lokal Mula sa Home for Girls Otso” Tabo Booth!

Tara na sa “Gawang Lokal Mula sa Home for Girls Otso” Tabo Booth! Tinatampok ng DSWD FO8 Home for Girls ang mga produkto ng kanilang mga center residents sa ikatlong araw ng “Tabo ha DSWD.” Kabilang sa kanilang mga produktong sila mismo ang gumawa ay mga food products kagaya ng macaroons, pastillas, cookies, butter cookies, at embutido. Mayroon din silang ipinagbibiling non-food items gaya ng mga basket na gawa sa recycled materials at mga hair ties. Mabibili ang kanilang mga produkto sa halagang 35.00 Php – 90.00 Php. Ito ay bahagi ng kanilang income-generating project na kanilang sinimulan noong December 2022. Bukas ang kanilang Tabo booth hanggang bukas, February 9, 2023 bilang parte ng DSWD 72nd Founding Anniversary. Panabo kita ha DSWD! #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

Halina’t Tumuloy sa “Tabo ha DSWD”!

Halina’t tumuloy sa “Tabo ha DSWD”! Kaugnay ng pagdiriwang ng ika-72 na anibersaryo ng DSWD, opisyal na pinasinayaan ang pagbubukas ng “Tabo ha DSWD at Health and Wellness Week”. Itinatampok sa “Tabo ha DSWD” ang iba’t ibang klase ng produkto sa agrikultura kagaya ng mga food at non-food items ng DSWD Sustainable Livelihood Program Associations (SLPAs), DSWD Centers sa buong rehiyon, at maging mga produkto ng ilan sa mga empleyado ng FO VIII. Ang nasabing aktibidad ay pasisinayaan mula ika-7-9 ng Pebrero, 2023, 9:00am-5:00 pm sa DSWD Candahug Grounds, Candahug, Palo, Leyte. Sa kabilang dako, ilan sa mga itinatampok sa “Health and Wellness Week” ay ang mga health and wellness booth na nagbibigay ng iba’t ibang serbisyo na tumutulong upang mapaunlad ang kalusugang panlahat. Ito rin ay magaganap mula ika-7 at ika-10 ng Pebrero, 2023 sa DSWD Candahug Grounds. #BawatBuhayMahalagasaDSWD