4PS MODEL FAMILY

Si Precy Arce, grantee ng 4Ps Model Family na isa sa 1,843 self-sufficient beneficiaries na binigyang pugay sa Tacloban City kamakailan ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa programa, “Lubos po akong nagpapasalamat sa pamahalaan para sa isang dekada ng aming pagiging 4Ps at sa lahat ng mga tumulong sa amin. Malaking tulong ang pagsuporta at pag-gabay ng 4Ps. Natustusan ang mga kailangan sa school ng mga bata at sa Family Development Sessions (FDS) tinuruan po kami tungkol sa halos lahat ng aspeto sa buhay gaya ng kung paano ang tamang pgbudget at pagdisiplina sa mga bata, paghahanda tuwing may disaster, importansya ng malinis na kapaligiran at paano makaiwas sa ibat ibang uri ng sakit.” Naibahagi ni Precy na maaga siyang nag-asawa at nagkaanak kaya naman naging mahirap ang buhay. Noon wala silang kakayanan na mag-asawa at lugmok sa hirap. Minsan walang makain. Mas naghirap ang kanilang pamilya ng nanalasa ang Super Typhoon Yolanda. Nasira ang kanilang bahay at muntik pa silang mawalan ng buhay kung hindi sila naka-akyat sa bubungan ng kapitbahay. Subalit naniwala silang may pag-asa dahil sa napakaraming dumating na tulong mula sa gobyerno at sa ibat ibang organisayon. At nariyan ang 4Ps. Tuwing payout priority nila Precy ag pagbili ng bigas at pangangailangan ng mga bata lalo sa pag-aaral. “Ang kahirapan at kawalan ay pansamantala lamang. Hindi masamang ipanganak ng mahirap. Ang masama ay kung wala tayong gawin upang makaahon sa hirap. Mayroon po tayong kakayanan na baguhin ang ating istorya para mas maging magandang version ng buhay. Nasa atin po iyun na makamit ang gusto nating tagumpay,” ika nga ni Precy. Naging maunlad ang cake business ng mag-asawa at ang mga anak ay school achievers. Dagdag ni Precy, “Maraming salamat sa isang dekada ng pagbabago at pag-angat ng Diyos sa buhay namin. Muli nagpapasalamat kami sa Panginoon, sa pamahalaan at sa 4Ps, DSWD, CSWDO, TESDA, at sa lahat. Dahil po sa inyong tulong at pag-gabay nakamit namin ang tagumpay.” #BawatBuhayMahalagaSaDSWD Read more at https://fo8.dswd.gov.ph/…/1843-self-sufficient-4ps…/

1,843 self-sufficient 4Ps beneficiaries, binigyang pugay sa Tacloban City

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office VIII sa pakikipagtulungan ng Tacloban City Government ay nagsagawa ng selebrasyon para sa 1,843 Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) household beneficiaries na matagumpay na naabot ang Level 3 o Self-sufficient Level of wellbeing kamakailan sa Tacloban City Astrodome. Malugod na inumpisahan ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na nirepresenta ni City Administrator Anacleto Rei Lacanilao III ang nasabing pagtitipon. Kanya ring binati ang kanyang mga nasasakupan na matagumpay na umabot sa Level III at kanyang pinasalamatan ang lahat ng tumulong na makamit ang pag-unlad na ito. Samantala, ibig sabihin ng self-sufficient level ay base sa mga isinagawang validations o assessment ang pamilya ay kaya nang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, edukasyon, pangkalusugan, tirahan, pananamit at may sapat na kita at kakahayan upang hindi na muling bumalik sa kahirapan. Susundan ito ng graduation at exit sa 4Ps ayon sa itinakda ng RA 11310 o 4Ps Act upang makapagbigay-daan o pagkakataon para sa iba pang mahihirap na sambahayan na makasali sa programa. Buong pagmamalaking ipineresenta at binigyang papuri ni DSWD Regional Director Grace Q. Subong ang mga Level 3 households. Si Precy Arce, grantee ng 4Ps Model Family mula Brgy. 54, Tacloban City, ay nagpahayag naman ng kanyang pasasalamat sa programa, “Lubos po akong nagpapasalamat sa pamahalaan para sa isang dekada ng aming pagiging 4Ps at sa lahat ng mga tumulong sa amin. Malaking tulong ang pagsuporta at pag-gabay ng 4Ps. Natustusan ang mga kailangan sa school ng mga bata at sa Family Development Sessions (FDS) tinuruan po kami tungkol sa halos lahat ng aspeto sa buhay gaya ng kung paano ang tamang pgbudget at pagdisiplina sa mga bata, paghahanda tuwing may disaster, importansya ng malinis na kapaligiran at paano makaiwas sa ibat ibang uri ng sakit.” Naibahagi ni Precy na maaga siyang nag-asawa at nagkaanak kaya naman naging mahirap ang buhay. Noon wala silang kakayanan na mag-asawa at lugmok sa hirap. Minsan walang makain. Mas naghirap ang kanilang pamilya ng nanalasa ang Super Typhoon Yolanda. Nasira ang kanilang bahay at muntik pa silang mawalan ng buhay kung hindi sila naka-akyat sa bubungan ng kapitbahay. Subalit naniwala silang may pag-asa dahil sa napakaraming dumating na tulong mula sa gobyerno at sa ibat ibang organisayon. At nariyan ang 4Ps. Tuwing payout priority nila Precy ag pagbili ng bigas at pangangailangan ng mga bata lalo sa pag-aaral. “Ang kahirapan at kawalan ay pansamantala lamang. Hindi masamang ipanganak ng mahirap. Ang masama ay kung wala tayong gawin upang makaahon sa hirap. Mayroon po tayong kakayanan na baguhin ang ating istorya para mas maging magandang version ng buhay. Nasa atin po iyun na makamit ang gusto nating tagumpay,” ika nga ni Precy. Naging maunlad ang cake business ng mag-asawa at ang mga anak ay school achievers. Dagdag ni Precy, “Maraming salamat sa isang dekada ng pagbabago at pag-angat ng Diyos sa buhay namin. Muli nagpapasalamat kami sa Panginoon, sa pamahalaaanat sa 4Ps, DSWD, CSWDO, TESDA, at sa lahat. Dahil po sa inyong tulong at pag-gabay nakamit naming ang tagumpay.” Kabilang din sa mga nangungunang 4Ps beneficiaries na binigyang-pugay ay ang pamilya nina Ana Apelado, Ma. Venus Elledo, Jelyn Menoria, Grace Labongray, Mylene Cathedrilla, Violeta Ramos, Veronica Avila, Rowena Aguirre, Marlyn Senado, Allan Mercado, Marly Senado, at Joe Ann Espirito. Kinilala naman at binigyang-pugay ni DSWD Secretary Erwin Tulfo, represented ni Assistant Secretary for Specialized Programs under Operations Group Florentino Y. Loyola, Jr., ang mga benepisyaryo na nagsikap na umahon sa kanilang kalagayan sa kabila ng napakaraming pagsubok gaya ng COVID19 pandemic at patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin, “Ang pagtatapos ninyo ay maipagmamalaking tagumpay ng kagawaran. Kami po ay nagagalak na makita ang inyong tagumpay.” Kasama rin sa seremonya sina Assistant Secretary for Visayas Affairs Ma. Evelyn B. Macapobre, 4Ps National Program Manager and Director Gemma B. Gabuya, 4Ps Division Chief Paula B. Unay, Provincial Link Abner Arintoc, at iba pang kawani ng departamento. Sumunod dito ang Ceremonial Signing of Stakeholder’s Commitment na patuloy na susuporta at aagapay sa DSWD at mga 4Ps beneficiaries. Nilahukan ito ng mga opisyales mula sa Tacloban City Government, DOST, DEPED, TESDA, DTI, CHED, POPCOM, NNC, DAR, DA, DOLE, Save the Children Philippines, Cebuana Lhuillier Insurance Solutions, Mardel International, Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation (DVOREF)-TESDA, Metro Ormoc Community Multi-Purpose Cooperative (OCCI), , Korean Food for the Hungry, Auxiliary Chaplains for Transformation Philippines Inc., Leyte Dokiks Corporation, Natasha, Metro Retail Store Group Inc., Marikina Shoe Exchange, at Freight Process Outsourcing (FPOSI). Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang hakbang ng pambansang pamahalaan para sa pagpapabuti ng kalagayang pantao ng ating mga kababayan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

AICS- EDUCATIONAL ASSISTANCE UPDATE

Eksaktong 5:13am ngayong araw ang pinakaunang kliyenteng nakatanggap ng educational assistance dito sa isa sa educational assistance payout site sa Leyte. Maagang nagsimula ang pagproseso ng kliyente sa oras na 4:41 ng umaga. Eto ang ikatlong Sabado ng pagproseso ng educational assistance sa buong rehiyon at sa buong bansa. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

AICS EDUCATIONAL ASSISTANCE UPDATE

As of 4:00pm, umabot na sa 4,046 na mag-aaral ang nakatanggap ng tulong edukasyon mula sa iba’t ibang bahagi rehiyon. Ang educational assistance ay bahagi ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng DSWD na nagbibigay tulong sa mga indibidwal at pamilyang nakakaranas ng krisis. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

TINGNAN: SINIGURADO NG DSWD FO VIII NA MAKAAABOT SA PINAKAMALAYONG LUGAR NA REHIYON ANG TULONG EDUKASYON PARA SA MGA ESTUDYANTENG NAKARARANAS NG KRISIS

TINGNAN: Sinigurado ng DSWD FO VIII na makaaabot sa pinakamalalayong lugar ng rehiyon ang tulong edukasyon para sa ating mga estudyanteng nakararanas ng krisis. Dito sa Laoang, Northern Samar nagaganap ang pagproseso ng educational assistance para sa mga may priority number at appointment text message ng mga munisipyong kabilang sa Pacific Cluster. Kabilang dito ang mga bayan ng Catubig, Pambujan, Las Navas, Laoang, Palapag, Gamay, Mapanas at Lapinig. Naging posible eto sa pagtutulungan ng DSWD, lokal na pamahalaan ng Laoang, DILG, PNP at ang ating mga kasamahan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD

REGIONAL DIRECTOR GRACE SUBONG, PERSONAL NA TINUTUKAN ANG PAMAMAHAGI NG EDUCATIONAL ASSISTANCE SA DSWD FIELD OFFICE VIII

Personal na tinutukan ng mga opisyal ng DSWD Field Office VIII sa pangunguna ni Regional Director Grace Q. Subong ang ikatlong Sabado ng pamamahagi ng educational assistance upang tiyaking eto ay maayos, payapa at matiwasay para sa ating students-in-crisis na mga kliyente. Nasa 7,500 na kliyente sa buong rehiyon ang target na makatanggap ng educational assistance. #BawatBuhayMahalagaSaDSWD