TINGNAN: Patuloy ang paghahatid ng DSWD ng Family food Packs (FFPs) at non-Food Items (NFI) sa mga probinsya ng Northern at Eastern Samar.  Sa kasalukuyan, nasa 26,250 na mga FFPs ang naipadala na – 11,300 para sa mga bayan ng Arteche, Can-Avid, Dolores, Oras, at Borongan City sa Eastern Samar, at 14,950 sa Catarman, Northern Samar. Mayroon na ring alokasyon para sa iba pang mga munisipyo na naapektuhan ng bagyong Ambo.

Patuloy din ang pagdating ng karagdagang mga relief items galing sa Visayas Disaster Response Center (VDRC) sa Cebu. Sa kalahatan, 32,950 na FFPs na ang naibigay ng VDRC, habang may 6,300 pa na parating.

Samantala, patuloy ang DSWD sa paglikom ng impormasyon ukol sa mga munisipyo at mga pamilyang naapektohan ng bagyong Ambo.

Taos-pusong nagpapasalamat ng DSWD sa kanyang mga katuwang sa pagbigay ng tulong; ang Office of Civil Defense, at ang Armed Forces of the Philippines (na binubuo ng Philippine Army, Philippine Air Force at Philippine Navy).

Mula sa dagdag na tauhan, pagpapagamit ng C130 na eroplano ng Air Force, ng bapor ng Navy, at mga truck ng Army, hanggang sa logistical support ng OCD, ito ay upang makasigurado na maihatid ang tulong sa taong-bayan.

#DSWDMayMalasakit