Ang mga kawani ng DSWD mula sa iba’t-ibang programa katulad ng 4Ps, Disaster Response Management Team, KALAHI-CIDSS at ang mga miyembro ng Quick Response Team ay patuloy na namamahagi ngFamily Food Packs (FFPs) at non-food relief items sa mga pamilyang apektado ng bagyong Ambo sa Northern at Eastern Samar.

Sa kabuuan, 20,079  na FFPs na ang naipamigay  ng DSWD sa mga benepisaryo:

  • 250 sa Catubig, 750 sa Las Navas, 684 sa San Roque sa Northern Samar at
  • 4,571 sa Arteche, 1,500 sa Can-avid, 3,324 sa Dolores,  7,300 sa Oras, at 1,700 sa San Policarpo sa Eastern Samar.
  • Namigay din ng 169 na kumot at 500 na malong ang DSWD sa Jipapad.

Nagkakahalaga ng P 11,033,893.26 ang kabuuan ng mga relief items na naipamigay na ng DSWD.

Samantala, patuloy pa rin ang pagdating ng mga FFPs na ni-request ng DSWD mula sa Visayas Disaster Resource Center upang makasigurado na matutugunan ng DSWD ang pangangailangan ng mga LGU.

Sa mga disasters, ang first responders ay ang LGU. Bilang first responders, patuloy din na nagsasagawa ng relief operations ang lokal na pamahalaan. Sa Eastern Samar, pupunan ng Provincial Government ang balance ng FFPs na kinakailangan sa ilang LGU sa probinsya.

Nagbibigay ang DSWD ng augmentation ayon sa request ng LGU. 

Nagpapasalamat din ang DSWD sa mga katuwang ng ahensya sa pagpabibigay ng tulong, katulad ng Armed Forces of the Philippines, ang Office of Civil Defense, ang Philippine National Police, ang staff ng lokal na pamahalaan at ang mga Municipal Social Welfare and Development Officer. Kinikilala din ng ahensya ang pagsusumikap ng Provincial Action Teams na naka-istasyon sa mga probinsya.

#DSWDMayMalasakit

Photo credits Nena Getalado, Joseph Dela Pena