“Kahit papaano, kumikita kami ng pera bawa’t dalawang buwan sa benta ng taniman naming camote, saging, sitaw at iba pang mga gulay.” Ito ay rebelasyon ng mag-asawang Wilfredo Tanego, 71 na taon at Rosalea Tanego, 72 ng Barangay Salvacion, munisipyo ng Palo, Leyte nitong nakaraang linggo upang kunin nilang dalawa ang Social Pension galing DSWD. Ramdam sa mag-asawa ang kanilang HINAHON at TIBAY ng loob.

Taos –pusong SALAMAT naman ang narinig naming mula sa kanila. IBALIK namin ang pasasalamat sa inyo, Tatang Wilfredo at Nanay Rosalea, sa PAGSUSUMIKAP at PAKIKIPAG-ISA sa amin mga layunin!