Sa kabila ng kapansanan niya sa buto, nananatiling matatag at nagsusumikap si Nanay Jovita upang tugunan ang pangangailangan ng kaniyang dalawang maliliit na anak. Katuwang ni Nanay Jovita ang kanyang asawa na isa namang constrution worker.

Lubos nilang ikinagalak ang ayudang natanggap mula sa SAP emergency subsidy ng DSWD. Ito ay nagsilbing alalay nila sa araw araw na hindi pa nakabalik ang kanyang asawa sa pinagtatrabahuan dahil sa krisis na nararanasan.

Ang nakuhang ayuda ay ibinili nila ng kanilang pagkain, mga gamit sa kusina at ang ibang pera ay iipunin nila para sa mga gastusin ng kanilang mga anak.

Dagdag pa ni Nanay Jovita, nagpadala din siya ng kaunting pera para sa kanyang kapatid na malayo sa kanila na nawalan din ng trabaho.

#DSWDMayMalasakit