Pagboboluntaryo bilang Kalahi volunteer at Pantawid 4Ps leader ang paraan ni Marife upang maibalik niya ang tulong na naibigay ng gobyerno sa kanyang pamilya.

Bilang isang Kalahi volunteer ay gusto niyang makatulong sa kanyang barangay. Ngayon na nagsisimula na ang mga pre-implementation activities ng Kalahi-CIDSS at sa pamamagitan ng Community-Driven Development strategy nito ay kasama ang ordinaryong mamamayan katulad ni Marife sa pagpaplano at pagpapasya kung ano ang proyektong makakatulong na makabawas sa ilang mga pagkagambala dala ng COVID19 sa mga komunidad.

Nagpasasalamat din siya sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program dahil dito ay nakaabot na sa kolehiyo ang kanyang anak. Naibahagi niya na ang nakuhang assistance bilang 4Ps grantee ay ipinagbili niya ng baboy at ginawang negosyo upang dagdag kita at tulong sa kanyang asawa na magsasaka para sa gastusin nila araw araw dahil mayroon ding silang maliliit pa na mga anak.

Dahil otomatiko ng pasok sa program ng SAP emergency subsidy si Marife bilang 4Ps beneficiary, ang kanyang nakuhang ayuda ay ipinambili rin niya ng bigas, bitamina at gatas ng kanyang mga anak. Ang ibang pera ay ibinihagi niya rin sa kanyang mga kamag-anak na hindi eligible sa SAP.

Masayang nagboboluntaryo at tumutulong sa iba si Marife.

Ika nga niya, “Nagboboluntaryo po ako bilang Kalahi volunteer at Pantawid Parent leader dahil gusto kung ibalik ang tulong na naibigay ng gobyerno sa aking pamilya. Katuwang po ang simpleng mamamayan na katulad ko sa pagplano sa mga posibleng hakbang ng LGU lalo na sa pagtulong na mabawasan ang anumang pagkagambala dulot ng ng COVID-19 pandemic.”

#DSWDMayMalasakit