TIGNAN: Natanggap ni Lola Ebing ang kanyang Centenarian Grant mula sa DSWD na nagkakahalaga ng Php 100,000 noong Mayo 29 ngayong taon.

Si Lola Ebing ay umabot ng 100 taong gulang noong Agosto sa nakaraang taon. Mag-isa nalang si Lola Ebing na naninirahan sa kanyang bahay na gawa sa plywood at malapit sa sapa sa bayan ng San Jose, Northern Samar.

Si Lola Ebing ay biyuda na. Ang tatlong anak naman niya ay pawang mga magsasaka. Ang anak niyang si Aling Leonisa ang tumitingin at nag aalaga sa kanya.

Noong malakas pa si Lola Ebing ay paggawa at pagbebenta ng banig ang kanyang ikinabubuhay. Ngayon ay hindi na niya ito magawa dahil halos hindi na siya makalakad at mahina na rin ang pandinig.

Masaya siyang nakaabot sa edad na 100. Ibinahagi niya na ang kanyang sekreto ay pagkain lamang ng isda at gulay.

Abot langit din ang ngiti ni Lola Ebing ng inihatid mismo ang centenarian grant sa kanyang bahay nina Hon. Mayor Clarence Dato, MSWDO Riza Horcasitas at DSWD staff sa pangunguna ni SWAD Team leader Nena Getalado.

Magbibigay din ng dagdag na tulong pinansiyal ang lokal na pamunuan ng San Jose para kay Lola Ebing.

Ang natanggap na centenarian grant ni Lola Ebing ay malaking tulong na upang matustusan ang kanyang araw araw na pangangailangan.

Patuloy pa ring naghahatid ang DSWD ng mapagkalingang serbisyo sa mga bulnerableng sektor ng lipunan kagaya ng mga senior citizens sa kabila ng bantang kalusugan dulot ng COVID-19 pandemic.

#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID19PH

Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!

Department of Social Welfare and Development

(photo credits to DSWD PDO Jovien Baloca)