TIGNAN ang pahayag ni Samuel Baldono, Municipal Health Officer ng Maydolong, Eastern Samar, tungkol sa tulong ng
DSWD Kalahi-CIDSS program sa komunidad na mabawasan ang pangambang dulot ng COVID-19 health pandemic.

Ayon sa kaniya, katuwang ng lokal na pamunuan ang community volunteers sa pagpili ng proyektong makakatulong na ma-contain ang epekto ng coronavirus disease.

Katuwang din ng DSWD ang LGU sa pamamagitan ng kanilang municipal health office na masigurong mahigpit na pinapasunod ang minimum health standard o protocol sa lahat ng isinasagawang Kalahi activities.

#DSWDMayMalasakit
#LagingHanda
#COVID19PH
#Kalahi-CIDSSProgram
Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!

Department of Social Welfare and Development