Sa Hunyo 10 na ang dedline sa pagsubmite ng listahan ng mga kwalipikadong pamilya na di nakasama sa unang tranche ng SAP, o ang tinatawag na “waitlisted beneficiaries.” Nilinaw ni DSWD Regional Director Marie Angela Gopalan sa mga LGUs dito sa Rehiyon Otso, na ang kailangan ay sertipikadong listahan na pinirmahan ng Municipal o City o Provincial Social Welfare and Development Officer at Alkalde ng Bayan.

Sabi pa niya, “mahalaga ang sertipikasyon na nagsasaad na ang mga pangalan sa isinubmiteng listahan ay nasuri at karapat-dapat, batay sa mga umiiral na panuntunan.”

Ang nasa “waitlist” ay kwalipikadong mga pamilya na hindi nakatanggap ng Emergency Subsidy galing sa unang tranche ng SAP.#


#DSWDMayMalasakit #LagingHanda #COVID19PH #SocialAmeliorationProgram Maagap at Mapagkalingang Serbisyo!