Si Marichu Bustillos, Social Worker, ay namamahala ng isang departamento sa DSWD Field Office VIII. Nasasakupan niya ang pagsubok sa mga bagong sosyal na teknolohiya na konsepto ng DSWD Central Office sa Manila, sa piniling munisipyo o syudad sa rehiyon.

Dahil nasa dugo niya ang pagsilbi sa comunidad, nagboluntaryo siya sumama sa team na mag “payout” sa Social Pension, sa liblib na munisipyo ng San Jose de Buan, Samar. Sa pangunguha ng Team Leader na si Brian Requitillo ng Learning and Development Section, sumugod sila sa malayong lugar noong Hunyo 18, at tinapos nila kinabukasan. Nasilbihan nila ang 318 social pensioners na kabila sa 329 target na benipisaryo. Ang iba ay SSS pensioners na pala ngayon.

Tunay na may malasakit si Marichu, kahit siya mandin ay may inaalagaang may sakit na ina at may asawa pa siya at dalawang batang anak na nag-aantay sa kanya sa bahay. Sabi niya, prioridad niya ang kanyang pamilya pero pag dating sa pagbigay ng tulong sa mga taong pinaglilingkuran ng ahensya, kakayanin lahat para maihatid ang serbisyo na may kalinga at pagmamahal. Sinasabayan daw niya ng matinding panalangin sa Diyos at pagsunod sa mga tamang protocols para ma proteksyunan sila sa hindi nakikitang kalaban – ang COVDI-19!